Gigi Vibes Podcast
Ang Gigi Vibes ay isang bandang nangarap at nag-umpisa sa livestream at ngayon ay sumusubok ng pagkakataon dito sa podcast, kaya naming pag-usapan ang lahat ng bagay, kahit ano basta ikaw! Pero huwag mo lang masyadong seseryosohin kasi dapat good vibes lang. WARNING, kung ikaw ay nageexpect na lahat kami ay perpekto at lahat ng sasabihin namin ay papabor sa'yo, ay magisip-isip ka na dahil hindi ito ganun, walang ganern. Pak!
Episodes
18 episodes
Friendship Over!
People pleaser ka ba? Nafeel mo na ba na hindi ka welcome sa isang barkadahan kahit na hindi nila sinasabi sa'yo pero nararamdaman mo? Ano ba ang mga dapat gawin?
•
Episode 18
•
1:16:30
Magkakapatid
Sino nga ba ang pinakaluge sa mga magkakapatid? Panganay? Middle Child? o Bunso?
•
Episode 17
•
1:26:20
Bes Ang Itawag Mo Sakin
Kailan ba masasabing kaibigan ang kaibigan kung nakakakutob ka na na may namamagitan sa partner mo pero ang laging sagot niya ay "BEST FRIEND KO LANG SIYA" pagusapan natin sa episode na ito.
•
Episode 16
•
1:06:21
Diploma o Diskarte?
Isa sa mga importanteng bagay sa mundo ay edukasyon kasama na dito ang diskarte sa buhay. Hindi natin maikakaila na hindi lahat ng tao ay nakakaafford ng edukasyon kaya ang iba sa atin ay umaasa na lang sa diskarte. Ano nga ba ang dapat gawin? ...
•
Episode 15
•
1:14:52
Copy Right Issue!
Ano nga ba ang mga dapat at hindi dapat gawin pagdating sa pagpublish ng kanta? Isa sa mga sensitibong paksa ang dapat natin pagusapan at bigyan ng opinion patungkol sa issue na ito.
•
Episode 14
•
50:06
Oras Para Sa Sarili
Importante ba na may oras tayo sa sarili natin? May mga bagay ba tayo na nakakalimutan dahil mas inuuna natin ang mga ibang tao o bagay kesa sa sarili natin.
•
Episode 13
•
55:31
School Kopyahan
Gumagawa ka ba ng assignment? Weh? Nasubukan mo na bang mangopya o magpakopya nung nagaaral ka? Ngayon, marami ng paraan upang makagawa ng assignment gamit ang internet. Alamin natin ang mga kasagutan ng Gigi Vibes.
•
Episode 12
•
51:03
Paano Maiiwasan Ang Break-Up?
May mga bagay na hindi napagkakaunawaan pagdating sa isang relasyon. Minsan ang mga ito ang nagiging dahilan ng paghihiwalayan. Paano nga ba maiiwasan ang break-up?
•
Episode 11
•
58:10
Date Sa Mahal o Sa Mura?
Mahal ba ang umibig? Importante ba kung saan ang first date? Lalaki lang ba ang dapat gumagastos sa date? Alamin natin yan sa episode na ito.
•
Episode 10
•
1:10:07
Too Much Love Will Kill You
Kailan ba nagiging sobra ang pagmamahal? Sinusukat ba ang pagmamahal? Paano ka ba magmahal? Dito natin pag-usapan kung minsan tama bang sobra ang pagmamahal kahit na dadating sa punto na makakasakit ka na.
•
Episode 9
•
57:01
Best Time Magpakabait
Sinubok na ba ng panahon ang ugali mo? May tamang panahon o oras nga ba ang pagpapakabit? Alamin natin yan sa episode na ito.
•
Episode 8
•
52:27
The Social Media Expert
Sa panahon ng Social Media, parami na ng parami ang mga feeling expert. Isa na rito ang mga katulad mo este tulad nila! Haha! Kesyo ganito dapat, ganyan at kung anu-ano pa!
•
Episode 7
•
48:06
Selosang Partner
Ano nga bang mga limit natin pagdating sa isang relasyon. Lagi ka bang nagseselos? Ano nga bang mga dapat at hindi dapat pagdating sa isang relasyon?
•
Episode 6
•
1:17:19
Paano Maging Masaya?
Ano nga ba ang basehan para maging masaya? Nakakasama ba kapag sobrang saya? Paano nga ba maging masaya? Sa episode na ito, tatalakayin natin ang mga personal na opinion ng Gigi Vibes patungkol sa topic na ito.
•
Episode 5
•
49:14
Teach Me How To English
Kapag ba hindi ka marunong magsalita ng english ay napagiiwanan ka na sa buhay? Gaano nga ba kahalaga ang pagtangkilik ng salitang banyaga? Don't english me, i'm not graduation! LOL!
•
Episode 4
•
47:43
Foreign vs Local
Ano nga bang mas masarap panoorin? Napagiiwanan na nga ba tayo pagdating sa Live Performance? Ano nga ba ang pinagkaiba ng local acts sa mga foreign acts? Hirap nga ba tayong tangkilikin ang sariling atin? Paano nga ba tayo makakasabay sa sa bu...
•
Episode 3
•
1:01:28